Eating habits 101

10433_1152166650108_1405909383_30451348_5017172_nIt's the start of our new career, becoming a Diabetes nurse educator, our passion to change the view and perspective of people about diabetes and give awareness to the people about this life style acquired disease. Our training was an unforgettable experience for me and for the rest of the class. Meeting new friends and becoming a student again is a memorable experience that we will treasure for the rest of our lives. We chose this specialize field in nursing because we are passionate to help people with diabetes most especially here in our country.

I would like to share this Poem to you guys about our eating habits. This was written by my classmate, PAUL RYAN S. OAPER.

GABAY PANG KALUSUGAN, HANDOG SA KINABUKASAN"
BY: PAUL RYAN S. OAPER
BATCH OCTOBER 2009

ADOBONG ULAM NA KAY SARAP-SARAP KAININ
AT KRISPY PATANG TIYAK NA UULIT-ULITIN
LECHON, ICE CREAM, AT KARE-KARENG NAKAHAIN
MAYA MAYA LAMANG ITO AY UUBUSIN

FIESTA, BIRTHDAY AT IBA'T-IBANG OKASYON
PARATING MAY HANDAAN, TIYAK MERON DIN PABAON
BALOT DITO, BALOT DOON KAHIT PA MAGHAPON
MAIHATID LAMANG SA TIYANG NAGHAHAMON

BAKIT TILA YATA WALA KANG KABUSUGAN?
HINDI MO NA INISIP ANG IYONG KALUSUGAN
SINASADYA MO PA NA IKA'Y MAGING BATUGAN
KATABAAN MO NGAYO'Y WALA NG MASISIDLAN

SA PAGDATING PA NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
COMPUTER,PSP,ELEVATOR AT MARAMI PANG IBA
NA NAGING DAAN PA SA MGA NANANAMANTALA
AT PAGIGING TAMAD AY UNTI-UNTING LUMALALA NA

SANGA-SANGANG SAKIT NGAYO'Y IKA'Y NABABAGABAG
NGAYON AY NAGSISISI AT IKAW AY NAHAHABAG
SA IYONG SARILI SAPAGKAT IKA'Y LUMABAG
SA PAGKAIN NG SOBRA IKAW AY NABULAG

GABAY PANG KALUSUGAN SA PAGKAIN NG SAPAT
AY PATUNGO SA LANDASING NAAAYO'T NARARAPAT
ITAMA ANG DAAN SA MGA TAONG SALAT
SA SOBRANG PAGKAIN, SAKIT AY MAG-UUGAT

MAG SILBING ARAL NAWA ITO SAYO KAIBIGAN
NG HINDI MAUBOS SA GAMOT ANG IYONG PINUHUNAN
SUNDIN LAMANG ANG PAYO NA PARA SA KABUTIHAN
PASENSYA MO NGA LAMANG AY DAPAT NA HABAAN

NGAYONG ALAM MO NA ANG TAMANG PAMAMARAAN
IKAW NGAYO'Y MAG-KUSA, IBAHAGI ANG NALALAMAN
NG HINDI NA MAULIT ANG GANITONG MGA KARANASAN
AT NG MAKATULONG MAKABAWAS SA PROBLEMA NG BAYAN

14632_1227742984114_1545258115_608006_1270859_n


I was convicted while I'm reading this Poem because I really love to eat. If we eat beyond our caloric intake for the day, it may destroy our body bit by bit. For some, eating is the way of life. “ I’ll eat what I like to eat because life is short”. Knowing the caloric value of what you’re eating is important for us not exceed on our daily caloric intake because if we do, we will regret it in the future.

No comments:

Post a Comment